sara Leading vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte Kuha ni VER NOVENO

Mayor Inday kinondena election violence sa Bukidnon

235 Views

KINONDENA ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang pamamaril sa grupo ng presidential aspirant na si Leody de Guzman habang nagsasagawa ng konsultasyon sa Bukidnon.

Ayon kay Duterte, lahat ng election violence at alegasyon ng katiwalian ay dapat na kondenahin at imbestigahan ng Commission on Elections (Comelec).

“We already wrote the Comelec a general letter that if there is any allegation or incident, dapat lahat yun buksan nila with an official inquiry,” sabi ni Duterte, chairperson ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) at Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Sinabi naman ni Duterte na tuloy-tuloy ang kanilang pangangampanya sa kabila ng magandang numero na nakukuha nito sa mga survey.

Muling nangampanya sina Duterte at kanyang standard-bearer na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Southern Luzon.

“Tutuloy-tuloy pa rin yung pangangampanya natin and patuloy pa rin ‘yung pakikipag-usap namin sa lahat ng mga Pilipino sa iba’t ibang lugar sa ating bansa para po ipaabot ‘yng ating mensahe ng pagkakaisa at kapayapaan para sa ating bansa,” dagdag pa ni Duterte.