Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

LTO ipinatawag driver, may-ari ng nasunog na taxi

Jun I Legaspi Jan 10, 2025
13 Views

IPINATAWAG ng Land Transportation Office (LTO) ang rehistradong may-ari at driver ng isang taxi na nagliyab sa EDSA, Quezon City noong Miyerkules.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang pag-isyu ng Show Cause Order (SCO) sa may-ari at driver ng taxi (ABE-2064) naglalayong linawin ang isyu ng pagiging roadworthiness ng nasunog na sasakyan.

“Paiimbestigahan natin ang insidenteng ito upang malaman kung regular bang iniinspeksyon at pinapanatili ang maayos na kondisyon ng sasakyan na isang pangunahing pangangailangan para sa mga pampublikong sasakyan,” dagdag niya.

Batay sa SCO na nilagdaan ni LTO-Intelligence and Investigation Division chief Renante Melitante, pinadadalo ang may-ari at driver ng taxi sa LTO Central Office sa Enero 27.

Inaatasan din silang magsumite ng notarized affidavit na nagpapaliwanag sa nangyari.

Ang SCO bunsod ng ulat ukol sa pagkasunog ng isang taxi sa kahabaan ng EDSA, Brgy. Sto. Cristo, Quezon City.

Ayon sa SCO, ang kanilang notarized written explanation dapat tumutok sa paliwanag kung bakit hindi dapat silang papanagutin sa pagkabigong masiguro ang pagiging roadworthy ng sasakyan bago ito gamitin.