Calendar
3 sasakyan nag-karambola sa QC; 10 sugatan
SAMPU ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Quezon City noong Biyernes.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Asuncion Avestruz-Cabaces, Leslie Marie Rosario, Ma. Luisa Dioso, Ryan Gil Cabulay, John Carl Oñe, Lorens Cris Macalino, Bennie Rivera, Jimson De Leon, Jan Carlo Santos at Roberto Salinas
Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector, bandang alas-3:00 ng madaling araw nangyari ang aksidente sa EDSA Darius bridge U-turn slot sa Brgy. Bahay Toro.
Batay sa imbestigasyon, binabaybay ni Kimbert Francis Migriño Canarias, 20, sakay ng Honda City (XLT-817), at Roberto Macaranas Slainas, 50, driver ng Toyota Hi Ace commuter van (SJA-836), ang EDSA northbound lane galing North Ave., patungo sa Monumento.
Pagsapit sa lugar ng aksidente, biglang nasalpok ng Howo Dump Truck (NBJ-2661) na minamaneho ni Emmanuel Lacbayan Melo, 38, ang commuter van, at dahil sa lakas ng impact, bumangga ang likurang bahagi ng Honda City na nakatigil.
Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa katawan ang 10 pasahero ng Hi Ace van at dinala sa Quezon City General Hospital para sa karampatang lunas.
Nakapiit na ang truck driver habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in damage to property with multiple physical injuries laban sa kanya.