Droga

Narehas na, marerehas uli sa P1M na shabu

Edd Reyes Jan 12, 2025
18 Views

Droga1BALIK-kulungan ang 46-anyos na babae dahil nakuhanan na naman ng halos P1 milyong halaga ng shabu noong Sabado sa buy-bust sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, may record na ang nasakoteng si alyas Shiela noong 2023 pa.

Matapos ang ilang buwang paglilitis, nakalaya ang babae matapos ibasura ng hukuman ang kasong pagbebenta at pag-iingat niya ng ilegal na droga na isinampa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

Pero noong Sabado ng dakong alas-4:20 ng hapon kumagat muli sa buy-bust ng mga tauhan ng SDEU si alyas Sheila nang pagbentahan ng shabu na nagkakahalaga ng P14,500 ang pulis na nagpanggap na buyer sa Padrigal Ext., Brgy. Karuhatan na nagreulta sa kanyang pagkakadakip.

Bukod sa markadong salapi, nakumpiska rin sa suspek ang 140 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P952,000.

“This is another major success in our fight against illegal drugs. The NPD remains committed to making our streets safer for all,” pahayag ni Northern Police District chief P/Col. Josefino Ligan.