Naagnas na bangkay ng lalaki, suicide note nakasilid sa cadaver bag

11 Views

NATAGPUANG naagnas na ang bangkay ng isang lalaki na nakasilid pa sa cadaver bag at may kalakip na suicide note sa isang condominium sa Quezon City nitong Linggo ng hapon.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 5:25 ng hapon (January 12), posibleng nagpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng lason ang 43-anyos na biktima sa loob ng kaniyang inuupahang condo unit sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl Errika M Casupanan, kinokontak umano ng may-ari ng condo ang biktima subalit hindid umano ito sumasagot.

Dahil dito, nagpasya na umano silang puntahan ang unit ng biktima subalit pagtapat nila sa pintuan ay umalingasaw ang masansang na amoy mula sa loob ng silid nito.

Dahil dito ay agad na ipinakuha ng may-ari ang duplicate na susi at nang mabuksan ang pinto ng silid ay bumungad sa kanila ang biktima na nakahandusay sa reclining chair habang nasa loob ng cadaver bag ang kalahati ng katawan.

Agad nilang ini-report ang insidente sa mga pulis para sa imbestigasyon.

umating ang SOCO team mula sa QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni P/Cpt. Michael Jabel at nadikubreng naaagnas na ang bangkay ng biktima.

Nakakuha din sila ng suicide note ng biktima sa cadaver bag na naka-print sa bond paper na nagsasad na napagod na umano siyang maghanap ng trabaho.

Nakasaad din sa suicide note ang “DO NOT RESUSCITATE!”