Top 4 MWP dahil sa pagpatay natunton sa Cavite
Aug 5, 2026
MMDA sinuspinde number coding
Aug 5, 2026
Calendar
Sinisiyasat ni P/Capt. Dennis Turla ang report sa pananaksak sa biktima ng kanyang tiyuhin habang nag iinuman sa Tondo, Manila. Kuha ni JonJon Reyes
Metro
1 utas sa inuman na nauwi sa tarakan
Jon-jon Reyes
Jan 13, 2025
583
Views
HINDI na umabot ng buhay sa ospital ang binatang tinarakan ng patalim sa dibdib ng tiyuhin niya habang nakikipag-inuman sa Lallana St., Brgy. 93, Tondo, Manila noong Sabado.
Ayon sa report ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang alas-11:55 ng gabi ng maganap ang pananaksak sa biktimang si alyas Adrian.
Sa salaysay ng nakasaksing kamag anak ng biktima at suspek, habang nag-iinuman ang mga ito kasama ang biktima biglang sumulpot sa kanilang harapan ang suspek na may dalang patalim at walang pag-aalinlangang sinaksak ang biktima sa kaliwang dibdib nito.
Matapos ang insidente, pumunta pa ang suspek sa kanyang bahay dala ang armas na ginamit subalit natiklo ng mga awtoridad.
MMDA sinuspinde number coding
Aug 5, 2026
Nakaw na motor itinulak, nagtutulak tiklo
Aug 4, 2026
2 tricycle driver nag-away; 1 nawalan ng buhay
Aug 4, 2026
