PBBM Sinabi ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na hindi dapat makaapekto sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan ang zero-budget allocation ng PhilHealth.

PBBM pinatiyak sa DOH na serbisyo ng PhilHealth di mapuputol

Chona Yu Jan 14, 2025
22 Views

PBBMPINATITIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na tiyaking hindi mapuputol ang serbisyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kahit wala itong subsidy mula sa 2025 national budget.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos kay Herbosa sa pulong sa Malakanyang.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi dapat makaapekto sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan ang zero-budget allocation ng PhilHealth.

“Make sure that services of PhilHealth remain unhampered … it (zero budget) should not affect the delivery of healthcare services,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Matatandaan na noong Disyembre ng nakaraang taon nang lagdaan ang national budget ay tiniyak ng Pangulo na patuloy na magbibigay ng serbisyo ang PhilHealth sa kabila ng kawalan ng subsidiya.

Kasabay nito, muling iginiit ng Pangulo ang commitment ng pamahalaan sa pagtutok sa mga serbisyong panlipunan, kabilang ang edukasyon, kalusugan, serbisyong pang-ekonomiya, imprastraktura, at agrikultura.

Hinikayat naman ni Pangulong Marcos si Herbosa na ituon ang atensyon ng DOH sa ‘cure to prevention’ o sa paggamot patungo sa pag-iwas sa sakit.

Binanggit pa ng Chief Executive ang laging paalala ng mga doktor na “an ounce of prevention is better than a pound in cure.”

Bukod dito, iginiit din ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng digitalization sa DOH upang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo at mapabuti ang kahusayan sa ahensya.