Sunog Dahil sa makipot ang mga daanan sa Guada Canal sa Sta. Mesa, nahirapan ang mga fire volunteer apulahin ang sunod. Kuha ni JONJON C. REYES

3 babaeng menor de edad na-trap sa sunog, patay

Jon-jon Reyes Jan 15, 2025
13 Views

Sunog1NAMATAY ang tatlong menor de edad na pawang mga babae matapos ma-trap sa loob ng kanilang nasusunog na tahanan sa isang residential building Martes ng hapon sa Sta.Mesa, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang 5:09 ng hapon. Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na naganap sa ikalawang palapag sa Guada Canal Street, Brgy 597 sa Sta. Mesa.

Sa impormasyon, nagpapahinga ang mga bata sa loob ng bahay ng biglang sumilklab ang apoy,habang ang kanilang ina ay nasa labas ng nasabing tahanan.

Hindi agad nakapasok ang ina para iligtas ang mga biktima.

Dahil sa kulob ang bahay ay mabilis na kumalat ang apoy.

Maging ang mga bumbero ay nahirapan din makapasok dahil walang bintana ang bahay at makitid din ang daan papasok.

Aabot naman sa P30,000 ang halaga ng pinsala sa sunog na patuloy pang iniimbestigahan ng arson inbistagdor.

Base sa ulat, walang kuryente ang tirahan ng mga biktima na edad 5, 9 at 16 anyos. Nagdeklara ng fireout ganap ng 5:58 ng hapon.