Co

Malakanyang di nakikialam sa trabaho ng lehislatura

Chona Yu Jan 15, 2025
12 Views

WALANG kinalaman ang Palasyo ng Malakanyang sa pagkakatanggal kay Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co bilang Chairman ng House Committee on Appropriations.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, nasa sangay ng ehekutibo ang Malakanyang at hindi nakikialam sa trabaho ng sangay ng lehislatura

Nasa Kongreso na aniya ang kapangyarihan ng pagpapalit ng chairmanship ng mga komite.

“That’s the discretion of the Congress. Wala kaming kwan dyan kasi executive kami,” pahayag ni Bersamin.

Mismong si Congressman Sandro Marcos ang naghain ng mosyon na gawing bakante ang chairmanship ng komite.

Si Marikina Representative Stella Quimbo ang pumalit sa puwesto ni Co.