Calendar
P38/kilo ng 25% broken rice malapit na
IBABABA pa sa P38 kada kilo ang presyo ng 25 percent broken rice variety mula sa P40 kada kilo.
Ito ang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. pagkatapos ng public market inspection kasama ni Trade and Industry Secretary Cristina Roque sa Mutya ng Pasig.
“This price reduction will take effect on Friday, just ahead of the implementation of the maximum suggested retail price (MSRP) of P58 per kilo for 5% broken imported rice,” ani Tiu Laurel.
Ipapatupad naman ang MSRP para sa imported na bigas sa Enero 20 sa piling palengke sa Metro Manila.
Rerebiyuhib ang inisyatibo kada buwan upang malaman ang lagay ang pandaigdigang presyo sa merkado at ang tariff rate. Sa ganitong paraan, malalaman kung kailangan palawigin ito sa ibang lungsod sa bansa.
Plano din ng DA na ipatupad ng mas mahigpit ang Suggested Retail Price (SRP) framework kaakibat ang mga fine at penalty sa bawat paglabag kapag madalas na lumampas sa MSRP ang presyo ng mga imported na bigas.
Ayon kay Tiu Laurel, kabilang sa MSRP framework ang nominal profit margin na P10 kada kilo na mas mataas sa landed cost ng imported na bigas, at hindi kasama ang specialty rice variety tulad ng malagkit Japanese at black rice.
“If world rice prices remain stable, we anticipate a reduction in the MSRP after the February review,” dagdag ni Tiu Laurel.
Kasalukuyan din na sinusuri kada apat na buwan ang tariff rice policy na kung saan ibinaba ito magmula sa 35% hanggang sa 15% sa ilalim ng Executive Order 62 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo. Sa Marso ang susunod na pagsusuri ng naturang polisiya.
Bukod sa RFA25, ang Rice-for-All program, isang kritikal na bahagi ng KADIWA ng Pangulo initiative, nag-aalok din ng abot-kayang rice options para mga konsumer.
Kabilang dito ang RFA5 na naglalaman ng 5% broken grains na may halagang P45 kada kilo at RFA100, isang 100% broken variety, na mas kilalang “Sulit Rice,” at ibinebenta ng P36 kada kilo.