Gomez Iniharap ni Police PLt. Col. Mike Gomez ang mga suspek na may mga kasong carnapping at umano’y pagpatay matapos matimbog sa Baseco compound, Port Area, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

MPD nakalambat ng 2 suspek sa murder, carnapping

Jon-jon Reyes Jan 16, 2025
10 Views

NALAMBAT ng mga pulis ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 ang dalawang lalaki na umano’y sangkot sa pagpatay at carnapping sa Block 5 Aplaya, Baseco compound, Brgy. 659, Port Area, Manila noong Miyerkules.

Nadiskubreng wanted sa batas ang mga suspek na sina alyas Bumbay, 31, at alyas Robin, 36, pati na sa paglabag sa Republic Act 10591 in relation to BP 881 (Omnibus Election Code).

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, station commander, bandang alas-2:00 ng madaling araw natimbog ang dalawa.

Si alyas Robin may standing warrant of arrest para sa paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.

Nabatid ng mga pulis na may mga dalang baril ang mga suspek at narekober ang itim na snub nosed caliber .38 revolver at isang metallic silver caliber .38 revolver na kargado ng tig-limang bala

Nasa sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga suspek.