Suspek Ang suspek sa kasong estafa at swindling na nahuli sa isang hotel sa Malate.

Sikyu nalambat suspek sa swindling, estafa

Jon-jon Reyes Jan 16, 2025
14 Views

NASAKOTE ng isang security guard ang suspek sa swindIing at estafa ng ireklamo ng babaeng online seller sa hotel sa Pedro Gil at M.H Del Pilar Sts., Brgy. 699, Malate, Manila noong Miyerkules pero nakatakas ang kasamahan nito.

Nakilala ang naaresto na si alyas Peter, 51, pero naka eskapo ang kasama ng suspek na si Victor Mark Wee Ren, 32, isang Malaysian national.

Nahuli ang suspek ng mamataan ng biktimang si alyas Elza ang isa sa mga suspek sa loob ng hotel.

Dinampot ang dalawa pero nakapiglas ang isa habang pinoposasan ng sekyu na si Erlando Gan, 50.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakipag transaksyon ang biktima sa dalawang suspek sa Telegram hinggil sa bentahan ng cellular phone.

Una nang nakipagkita ang dayuhan sa hotel bandang alas-10:40 ng gabi noong Martes upang makita ang mga dalang items na IPhone 16, Pro Max 256, dalawang IPhone 16 plus at isang IPhone 15 at Pro Max 256 B na aabot sa P225,000.