Calendar
Sexuality education sa kabataan vs teen pregnancy, sakit kailangan
Mahalagang maituro sa mga kabataan ang komprehensibong sexuality education.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang ambush interview sa Burauen, Leyte.
Ayon kay Pangulong Marcos, dumadami na kasi ang teenage pregnancy st single mother sa bansa at mga sakit ukol dito.
“Because you know what, I think what you are talking about dumadami ang teenage pregnancy, dumadami ang single mothers, dumadami ang sakit na…” pahayag ni Pangulong Marcos.
“And even… Kasama na rin diyan, pagka teenager ‘yung nanay, hindi marunong alagaan ‘yung bata. Hindi nila alam – marunong alagaan ang sarili nila ‘pag buntis sila. Kung anong kakainin; kung nanganak na, kung ano ang ipapakain doon sa bata,” dagdag ng Pangulo.
Maliban dito, dapat rin aniyang magkaroon ng kaalaman ang mga kabataan sa mga opsyon na available at kung ano ang kakahinatnan at mga epekto ng pagkakaroon ng anak ng masyadong maaga.
“These are all of the things that we need to address. And so, the teaching of this in our schools is very, very, very important,” dagdag ng Pangulo.
Ipinatutupad ng DepEd ang Comprehensive Sexuality Education sa mga eskwelahan sa ilalim ng Department of Education Order No.31.
“And to make young people, especially, knowledgeable about what are the options that are truly available to us, and what the consequences are – what the consequences are of having a child too soon, too early. Children having children is a very difficult situation for both the child and the parent,” dagdag ni Pangulong Marcos.