MMDA Source: PNA

Hirit ng MMDA na i-adjust oras ng trabaho sa gobyerno pinag-aaralan

Chona Yu Jan 20, 2025
11 Views

DAPAT na maging practical para sa commuters ang panukala ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na i-adjust ang oras ng trabaho sa national government offices.

Sa ambush interview sa Taguig City, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na wala siyang nakikitang dahilan para harangin ang panukala ng MMDA kung ka paki-pakinabang ito sa mga commuters.

Sa ngayon aniya, pinag-aaralan na ng Palasyo ng Malakanyang ang hirit ng MMDA.

“Yes, I saw that. Well, we’re studying it. If it works, we’ll do it. But we have to… It’s not enough to talk to the traffic enforcers and the administrators of traffic that have made the suggestion. We also have to ask the commuting public kung praktikal para sa kanila,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“So, if it turns out that everyone agrees to it, then I cannot see why it will be a problem,” dagdag ng Pangulo.

Sa halip na 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, nais ng MMDA na gawing 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon ang pasok sa mga tanggapan sa gobyerno sa National Capital Region para mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko.

Ayon sa MMDA nasa halos kalahating milyon ang nagtatrabaho sa mga tanggapan sa gobyerno sa NCR.