Calendar
PBBM pinangunahan lanching ng Tesla Center PH sa BGC
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang launching ng Tesla Center Philippines sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos, hinikayat nito ang Tesla na ikunsidera ang paggawa ng electric vehicles sa bansa bilang bahagi ng pagtataguyod sa sustainable transport system at maibsan ang carbon emissions.
Ayon sa Pangulo, ang presensya ng Tesla sa Pilipinas ay hindi lamang pagsuporta sa environmental sustainability kundi pagpapalakas na rin sa sektor ng lokal na paggawa.
“With plans to expand further, Tesla is building a generation of Filipinos equipped to lead in the global shift towards sustainable technologies,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“It is our fervent hope that Tesla might one day choose to manufacture its vehicles in the Philippines,” dagdag ng Pangulo.
Nobyembre 8, 2024 nang pormal na pumasok ang Tesl sa Pilipinas bilang isang subsidiary ng Tesla Motors Philippines Inc.
Ayon kay Pangulong Marcos, future o kinabukasan ng transportation system ng Pilipinas ang electric vehicles.
“In my lifetime, it has always been ICE or internal combustion engines that we are dealing with. But to see this is the future, this is the future – purely electric vehicles are the future and it is the future that we are striving for,” pahayag ni Pangulong Marcos.