Rape

Rape suspek naaresto 2 taon matapos ang krimen

Edd Reyes Jan 20, 2025
13 Views

HIMAS-rehas na ang 22-anyos na lalaki ng maaresto dahil sa kasong panggagahasa sa Valenzuela City noong Linggo dalawang taon matapos isagawa ang krimen.

Iniutos ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang pagtugis sa akusadong si alyas Cedric na natunton sa bahay niya sa Serrano St., Brgy. Marulas.

Bitbit ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela police ang warrant of arrest na inilabas ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Mateo Altarejos ng Branch 172 noon pang Hulyo 28, 2023 para sa kasong rape nang dakpin si alyas Cedric.

Sinabi ni Col. Cayaban na walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado dahil sa bigat ng kanyang pagkakasala.