P300K na shabu nakuha ng 3 suspek na tulak
Jun 15, 2025
Calendar

Metro
Sunog sa QC umabot ng 5 oras
Melnie Ragasa Jimena
Jan 20, 2025
186
Views
INABOT ng mahigit limang oras na inapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang sunog na sumiklab sa isang cold storage facility sa Quezon City Lunes ng madaling araw.
Ayon sa BFP, patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog Glaizer North Refrigeration Services Corp sa Fernando Poe Jr. Avenue sa Barangay Del Monte sa Quezon City na nagsimula bandang alas 3 ng madaling araw.
Umakyat pa sa ikatlong alarma ang sunog hanggang sa tuluyang maapula bandang alas8:21 ng umaga.
Nasa 10 trak na ng bumbero ang nagtutulong-tulong para maapula ang sunog.
Wala namang empleyado sa loob ng pasilidad nang sumiklab ang sunog.
QC cops inaresto 24 na suspek sa mga krimen
Jun 15, 2025
Nagnenok ng cellphone sa Kano, nasakote
Jun 15, 2025
Boga binenta sa parak, nagbenta arestado
Jun 15, 2025
Feeding program sa LP 700 bata nabusog
Jun 15, 2025
Sunog sa paaralan sa QC umabot ng ikatlong alarma
Jun 15, 2025