Calendar
85% ng konsehal sa bansa suportado BBM-Sara tandem
SUPORTADO ng 85% ng mga konsehal sa bansa sina presidential candidate at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte.
Ayon sa Philippine Councilors League (PCL) 14, 600 sa 17, 177 municipal at city councilor sa bansa ang sumusuporta sa BBM-Sara tandem sa May 9, 2022 elections.
Dinala ng mga opisyal ng PCL sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City ang statement of support na pirmado ng mga miyembro at opisyal nito.
“Securing 85 percent support from the 17, 177 municipal and city councilors nationwide favoring Bongbong Marcos for president and Inday Sara Duterte for vice president on the May 9, 2022 elections is sufficient to declare that majority of the legislators in our country prefer the BBM-Sara tandem that can further propel the reign of the next national government administration,” sabi sa pahayag na pirmado nina Councilor Danilo Dayanghirang, chairman ng PCL, at Councilor Nelson Sala, pangulo ng PCL.
Ayon sa PCL ang panalo ng BBM-Sara tandem ay isang oportunidad upang madala sa national level ang mga adbokasiya na makatutulong sa mga lokal na pamahalaan.
Nagpasalamat naman si dating MMDA chairman Benhur Abalos Jr., ang campaign manager ni Marcos, sa pagsuporta ng PCL.
“Well, talagang nagpapasalamat kami sa binigay na suporta ng Philippine Councilor’s League. Alam mo ito yung grassroots noh? Grassroots ng ating mga konsehal kaya alam nila isa sila sa may pinakamaraming miyembro dahil ilang konsehal sa bawat lugar, sa bawat presinto at para lang isipin na walumpu’t limang porsyento halos ang sumusuporta talagang nakakataba ng puso ito,” sabi ni Abalos.
Sinabi ni Abalos na susuklian nina Marcos at Duterte ng genuine service ang pagsuportang ito.