Pangandaman Budget Secretary Amenah Pangandaman

2nd yugto ng umento sa sahod ng gov’t workers OK na kay Pangandaman

Chona Yu Jan 22, 2025
12 Views

APRUBADO na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang ikalawang yugto ng umento ng sahod sa mga manggagawa sa gobyerno.

Ang Circular Number 597 ay kaalinsabay ng pagpapatupad ng updated salary schedule para sa civiliian personnel base na rin sa nakasaad sa Executive Order Number 64 series of 2024.

Ayon kay Pangandaman, ang panibagong umento sa sahod ay pagtupad sa pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Umaasa si Pangandaman na ang bagong umento sa sahod ay makatutulong para makatugon sa kailangan na financial relief sa mga manggagawa sa gobyerno.

Sa ilalim ng EO Number 64, nakasaad na ang updated salary schedule ay ipatutupad sa lahat ng national government agencies sa apat na yugto, o tuwing Enero ng bawat taon mula noong 2024 hanggang 2027.

Applicable ang umento sa sahod sa lahat ng civillian government personnel sa executive, legislative at judicial branches, constitutional commissions at iba pang constitutional offices, state universities and colleges, at Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) na hindi saklaw ng Republic Act (RA) No. 10149 at EO No. 150, s. 2021 sa kabila ng kanilang appointment status, regular, casual, o contractual; appointive o elective; at full-time o part-time basis.

Hindi saklaw ng circular na ang militar at uniformed personnel, mga government agency na exempted RA No. 6758; GOCCs under RA No. 10149 and EO No. 150; mga indibidwal na walang employer-employee relationship at pino pondohan mula sa non-Personnel Services appropriations tulad ng consultants at iba pang eksperto.

Hindi rin kasali rito ang iba pang kawani na limitado lamang ang trabaho o sa ilalim ng pakyaw system o per project, student workers at apprentices at sa mga manggagawang saklaw ng job orders, contracts of service at iba pang katulad na sitwasyon.