Suspek Kinilala ni Police Lt. Col. Mike Gomez ang natimbog na suspek matapos gahasahin nito ang Grade 8 student sa Baseco Compound, Port Area, Manila.

Grade 8 dinaliri, hinalay ng 24-anyos na helper

Jon-jon Reyes Jan 22, 2025
11 Views

HIMAS rehas sa malamig na bakal ang isang 24-anyos na helper matapos magsumbong ang biktima na isang Grade 8 student na ginahasa ng suspek sa loob ng tinutuluyang tahanan sa Tambakan Street, Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila, madaling araw ng Linggo.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Mike Gomez, hepe ng Baseco Police Station 13 sa Manila Police District (MPD), ang suspek na si alyas “Ronel” ng Port Area, Manila.

Ayon sa report, bandang 3:30 ng madaling araw nang mangyari ang panghahalay ng suspek sa biktima habang natutulog ito sa loob ng isang kuwarto sa nasabing lugar.

Base sa salaysay ng biktima na si alyas “Trixie” na 15-anyos sa pulisya, bago ang insidente ay nag-iinuman sila kasama ang kanyang mga kapatid, pinsan at ang suspek.

Nang malasing ang biktima ay pumasok na siya sa kanyang silid upang matulog, subalit ilang saglit ay naalimpungatan ito nang maramdaman niyang may humahalik sa kanyang mga labi at leeg.

Nang imulat nito ang kanyang mga mata ay naaninag nito ang mukha ng suspek sa pamamagitan ng mga ilaw na nagmumula sa kalapit na kuwarto.

Samantala, narinig niyang tinawag ang pangalan ng suspek ng kanilang kasama kaya bumalik ito sa inuman.

Dahil sa takot ng menor de edad na biktima, nilagyan niya ng harang ang pintuan upang hindi ito makabalik at makapasok sa kaniyang silid.

Ngunit ilang sandali pa ay bumalik ang suspek at malakas na tinulak ang pinto na naging dahilan ng pagbukas nito at nakapasok ang suspek.

Dahil sa naka-inom na ang biktima ay wala na itong nagawa sa kagustuhan ng suspek, hanggang sa pumatong sa kaniya ang suspek at sinimulang halikan siya sa labi at leeg.

Tinangka pa ng suspek na lamasin ang kaniyang dibdib at nanlaban ang menor de edad, subalit nanaig ang lakas ng suspek.

Sinimulan na rin nitong ipasok ang daliri sa ari ng biktima. Pagkatapos ay hinila nito ang kasuotang pangbaba at ipinasok ang ari nito sa ari ng menor de edad na biktima.

Agad namang nagsumbong ang biktima kasama ang kanyang ina sa nasabing presinto na nagresulta sa pag-aresto sa suspek ng mga operatiba ng MPD Baseco Police Station 13.

Nahaharap sa kasong statutory rape ang suspek matapos iharap sa Manila City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings.