Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Sunog Ang sunog sa Isla Puting Bato, Tondo na umabot sa ikalimang alarma at lumamon sa halos 30 kabahayan. Kuha ni JonJon Reyes

60 pamilya naabo bahay sa sunog sa Tondo

Jon-jon Reyes Jan 23, 2025
555 Views

HALOS 30 kabahayan ang naging abo at nasa mahigit 60 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila noong Huwebes.

Umakyat sa ika-5 alarma ang sunog na nagsimula bandang alas-2:21 ng madaling araw, ayon sa Bureau of Fire Protection-NCR.

Nagsimula ang sunog sa 2-storey residential area na pag aari umano ng isang Andy Orio sa Purok 5, Isla Puting Bato, Brgy. 20, Zone 2, Tondo.

Nasa P150,000 ang halaga ng napinsala dahil sa sunog. Walang namatay o nasaktan sa sunog.