Calendar
Kelot nanghipo ng bebot, himas bakal
TIKLO ang lalaking akusado ng ilang ulit na panghihipo sa maselang parte ng katawan ng babae na biktima niya noong Miyerkules sa Valenzuela City.
Matibay ang ebidensiyang iprinisinta laban kay alyas Marvic, 36, kaya naglabas ng warrant of arrest si Valenzuela Family Court Judge Mateo Altarejos ng Branch 16 pero hindi agad naisilbi dahil hindi matunton ang kinaroroonan ng suspek.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, dakong ala-1:05 ng hapon nang tuluyang matunton ng pinagsanib na pwersa ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Women and Children Protection Desk (WCPD) ang akusado sa Block 7, Lot 22, Phase 2A, Northville 1 Brgy. Bignay.
Tatlong counts ng kasong acts of lasciviousness ang kinakaharap ng suspek.
May inilaang piyansa na tig-P180,000 bawat isa kaya’t aabot sa P540,000 ang dapat na ilagak ni alyas Marvic kung gustong lumaya ng pansamantala.