Guess

Host ‘namick-up’ ng masahista sa spa

Jun Nardo Feb 1, 2025
15 Views

KAKAIBANG dumiskarte ang klosetang bading na host kapag napupunta sa isang massage parlor na medyo sosyal at may boys na may extra service na, puwede pang mag-overtime sa place ng client, huh!

Hindi sa spa gumagawa ng milagro si host. Medyo kilala na rin kasi siya kaya maingat siya sa kanyang mga kilos.

Eh, minsan, may natipuhan siyang therapist. Senyas ang ginagawa nila dahil mabubuking si host ng customers sa simpleng paglalandi niya.

Nang magkaayos sa sensyas, nagbihis na si host. Lumabas sa spa. In a matter of seconds, lumabas na rin si masahista. Todo sunod ng tingin ang mga tao sa spa.

Pero hindi nila nasundan ang dalawa na nagkita pala sa isang malapit na tindahan.

Dinaanan ni host si masahista at isinakay sa kanyang sasakyan.

Naiwang nakanganga ang mga Marites na hindi alam kung paano nagkita at nagkasabay ang dalawa, huh!

LIBRENG KOLEHIYO

PINURI nina Nicole Hiyala at Diego Bandido, hosts ng popular Love Radio program na “Kumikinang Na Tambalan” at mga iskolar noong college, ang free college law ni dating Senador Bam Aquino.

Sabi ng dalawa, ang law na ito ang nagbibigay pag-asa sa mga estudyante na ituloy ang kanilang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Graduate sa Assumption College si Nicole sa pamamagitan ng scholarship dahil empleyado ng paaralan ang kanyang ina.

Nu’ng mag-guest sa kanilang programa si Sen. Bam, saad niya, nakatulong ang free college law sa milyun-milyon na kapos ang budget sa kolehiyo.

Sakaling mahalal muli, balak ni Bam na palawakin ang free college law at tumulong na magkaroon ng trabaho ang mga Pilipino.