Amante Si San Pablo City Mayor Vicente Amante kaharap ang mga mamamayan ng San Pablo na nagpaliwanag ng posibleng paglilipat ng bagong City Hall sa isinagawang unang araw ng consultation na idinaos sa San Pablo City Multi Purpose- Center. Kuha ni GIL AMAN

Amante pinangunahan public consultation sa paglipat ng mga tanggapan

Gil Aman Feb 5, 2025
16 Views

SAN PABLO CITY, Laguna – Pinangunahan ni Mayor Vicente B. Amante ang unang public consultation araw ng Martes sa posibleng paglilipat ng tanggapan ng pamahalaang lungsod mula sa lumang City Hall Compound patungo sa bagong City Goverment Compound sa Brgy. San Jose ng nasabing siyudad.

Idinaos sa San Pablo City Multi-purpose Convention Center ang talakayan ang posibleng paglilipat ng tanggapan ng mga nasabing tanggapan.

Dumalo ang mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod, pinuno, pangalawang pinuno at mga kawani ng Pamahalaang Lokal; maging ang lahat na barangay chairman, kagawad, bgy. secretary, brgy. treasurer, SK chairperson at SK Kagawad.

Dumalo rin ang ilang local media, mga guro at mag-aaral ng iba’t-ibang pampublikong paaralan.

Matapos ang talakayan, ay pumabor ang lahat sa posibleng paglilipat ng mga tanggapan.

Ang nasabing hakbang ay bahagi ng pagsisikap ng Pamahalaang Lokal na mapabuti at mas maging episyente ang serbisyo publiko at ang iba’t-ibang operasyon ng mga tanggapan para sa kapakinabangan ng mga mamamayan ng Lunsod ng San Pablo.

Dahil sa patuloy na pagunlad ng lokal na pamahalaan kasabay naman ang pagkakaroon ng mabigat na trapiko kung kaya’t gusto ng lokal na pamahalaan na maging maayos ang serbisyo sa mga tao.