Calendar
![Martin2](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Martin2-2.jpg)
Impeachment laban kay VP Sara inaprubahan na sa Kamara
MULING nagtala ng kasaysayan ang Kamara de Representantes matapos nitong aprubahan ang ikaapat na impeachment complaint na inihain ng mayorya ng mga kongresista laban kay Vice-President Inday Sara Duterte na nag-ugat sa kawalan ng tiwala ng publiko o “betrayal of public trust” at pagkakasangkot nito sa malawakang korapsiyon.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa na ang naka-upong Pangalawang Pangulo ay mahaharap at maisasalang sa impeachment trial sa Senado matapos aprubahan ng 215 miyembro ng Kamara de Representantes ang pitong Articles of Impeachment laban kay VP Sara na inaasahang magpapatalsik sa kaniya sa puwesto.
Ang inaprubahang impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo ay ibinatay naman sa ginawa nitong pagbabanta sa buhay nina President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez.
Kabilang sa mga pinagbasehan ng impeachment complaint laban kay VP Sara ay ang kontrobersiyal na maling paggamit nito ng P125 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
“There is a motion direct the Secretary General to immediately endorse to the Senate the impeachment complaint having Benn filed by more than one third of the membership of theHouse or a total of members. Is there any objection? The chair hers none. The Secretary General is so directed,” wika ni Speaker Romualdez.
Kasabay nito, inihalal naman ng Mababang Kapulungan ang labing-isang miyembro ng Kamara na tatayong House Prosecution Panel sa pagsisimula ng Impeachment Trial sa Senado. Ang labing-isang kongresista ay sina Reps. Gerville “Jinky Bitrics” R. Luistro, Romeo Acop, Rodge Gutierrez, Joel Chua, Jill Bongalon, Loreto Acharon, Minority Leader Marcelino Libanan, Arnan C. Panaligan, Ysabel Maria J. Zamora, Lorenz R. Defensor at Cong. Jonathan Keith T. Flores.
“This is about upholding the Constitution and ensuring that no public official regardless of their position is above the law,” pahayag pa ni Speaker Romualdez.