cristine reyes

Cristine na-bash sa b-day post

Vinia Vivar Feb 6, 2025
16 Views

Kaarawan ni Cristine Reyes kahapon, pero nagluluksa siya sa pagpanaw ng Taiwanese actress na si Barbie Hsu, gumanap na Shan Cai sa hit Taiwanese series na “Meteor Garden.”

Nag-post si Cristine sa Facebook ng old picture niya kasama si Barbie at aniya sa caption, “Rest in peace Shancai, our childhood favorite. Also, Happy 36th to me today.”

Sa ibaba ay nilagyan niya ito ng hashtags na #happybirthdaytome, #meteorgarden at #barbieshu.

Pero as we write ay mukhang burado na ang post na ito ni Cristine dahil hindi na namin ito makita sa kanyang homepage.

Sa halip ay may hugot post kaming nakita sa kanyang My Day sa FB.

She wrote, “2.5.25. Maligayang kaarawan sa akin. Yun na lang. oks na?”

Saad pa niya, “Kailangan palaging perfect. Bawal magkamali nowadays… May kalupitan na kapalit sa mga bagay kapag nagkamali e, diba?”

Hugot pa niya, “Marahil ako nga talaga ay nagluluksa ngayong kaarawan ko. Good? Ang daming magagaling sa mundo.”

Dahil burado na nga ang throwback photo ni Cristine with Barbie, sa lumang post na lang nagkomento ang netizens na nagtataka rin kung bakit biglang nawala ang post.

“Biglang nawala yung post. HAHAHAHAHAHAHA napansin nya siguro na madami nangbabash sa kanya,” komento ng isang netizen.