Riles

Bagong anyo, bagong misyon

Aster A Amoyo Feb 7, 2025
16 Views

IPINAKITA ng Mga Batang Riles boys na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, at Anton Vinzon ang kanilang bagong looks para sa serye at kasabay umano nito, ay ang bagong misyon ng kanilang mga karakter.

Sa panayam sa kanila ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, ibinahagi nina Miguel, Kokoy, Raheel, at Anton na malaking effort para sa kanila ang pagbabago ng kanilang looks.

Nguni’t para kay Miguel, exciting at na-enjoy niya umano ang pagbabago ng kanilang mga itsura sa serye.

“Very exciting kasi ako, mahilig naman po talaga akong mag-experiment sa mga hairstyle kaya ito, na-enjoy ko talaga ito kasi first time kong magpaganitong itsura ng buhok. Atsaka feeling ko naman, bumabagay naman sa character ni Kidlat, e,” sabi ng aktor.

Dahil unique ang buhok ni Kokoy, kinailangan niya umanong humingi ng tulong sa kanyang ina at mga kapatid sa kung anong look nag babagay para sa kaniya, at sa karakter niyang si Kulot.

“Humingi ako ng tulong po sa ermats ko at saka sa mga kapatid ko ano ba ‘ yung pwede. Hindi lang dahil sa look ko as Kokoy, ‘yung babagay na transition para kay Kulot,” sabi ni Kokoy.

Kasabay ng pagbabago ng kanilang itsura ay ang pagbabago rin ng misyon ng Riles Boys sa kanilang buhay. Ayon kay Anton, mas mature na sila ngayon kumpara sa mga naunang episodes ng serye.

“More mature na po kami dito, responsibility na namin ‘yung pamilya namin ngayon, so ayun po, more mature and more skills, mga fighting skills po namin dito,” sabi ng aktor.

Dagdag naman ni Raheel, “Natuto na po sila lumaban so mas makikita na po nila na mas may porma sila sa paglalaban nila, hindi na lang basta-basta na away-kalye.”

Excited na rin sina Miguel, Kokoy, Raheel, at Anton sa nagiging takbo ng kuwento ngayon ng Mga Batang Riles, lalo na’t may mga nakakasama silang guest stars. Ilan na dito ay sina Ai-Ai delas Alas at Caitlyn Stave. Makakasama rin nila so Joem Bascon sa serye.

Ani Joem, “Ang character ko dito si Dr. K. Isa akong doktor na mapagkawang-gawa, mapagbigay ng awa sa mga bata. Pero siyempre, despite and behind that kabutihan at ‘yung goodwill na ginagawa niya, meron siyang sikreto na itinatago.”

Saad naman ni Miguel patungkol sa kailang guest stars, “Nabasa ko ‘ yung script tapos kapag ilalagay ko sila sa character na nakasulat sa script, parang lalong gumaganda po ‘yung storya, bagay na bagay sa kanila.”

Show nina Jillian at Michael may 71M views sa Tiktok

PicHINDI natatapos ang paghahatid ng kilig ng ‘My Ilonggo Girl’ sa primetime dahil online ay patok din sa netizens ang sweet moments ng beautiful Ilongga na si Tata (Jillian Ward) at ni Sir Francis (Michael Sager).

Base sa huling datos na nakalap ng GMA Public Affairs nitong January 29, may mahigit 337 million views na across all social media platforms ang GMA Prime series.

Malakas din ang hatak nito sa TikTok dahil nakakuha na ito ng 71 million views sa short-video platform.

Basketball player na si Shan socmed sensation

Pic1ISA sa kinababaliwan ngayon ng netizens ay ang Sparkle artist na si Shan Vesagas.

Naging social media sensation si Shan in 2020 noong varsity basketball player pa lang ito sa De La Salle Zobel.

Naka-graduate na si Shan mula sa kursong Hotel Management at De La Salle University-Dasmariñas.

Naging point guard and shooting guard at De La Salle University – Dasmariñas si Shan bago siya pumirma with Sparkle noong May 2024.

“I started being an influencer during the pandemic and then I didn’t know that it would be an opportunity for me. I was actually a basketball player at first and then recently I gained a lot of traction during the posted Hayskul series on YouTube,” sabi ni Shan.

Ang “Hayskul” series ay gawa ng content creator na si Esnyr Ranollo on YouTube.

He is now part of the second season of the hit youth-oriented show, MAKA, where he plays the mysterious guy named Shan Rodente.

Shan will also appear in the primetime series, ‘My Ilonggo Girl,’ which stars Jillian Ward and Michael Sager.

Beauty queen GF na nasa Bolivia nag-post ng picture ni JK

JKBINATI ng beauty queen na si Dia Mate ang boyfriend and fellow singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo.

Mate, who is currently in Bolivia to represent the Philippines in Reina Hispanoamericana 2025, shared photos of her with Labajo as well as a solo shot of him playing the guitar.

“Happiest birthday to my best friend and my greatest love. You deserve the world and more,” caption niya.

February 2024 when Labajo first shared a sweet photo of him with Mate.

Labajo, known for his hit songs “Buwan” and “Ere,” is one of the stars of the upcoming movie “Ex Ex Lovers” along with Jolina Magdangal and Marvin Agustin.