Calendar
Kris muntik mabagok ang ulo sa banyo
May good at sad news tungkol sa health ni Kris Aquino na ibinahagi ang kaibigan at confidante niyang si Dindo Balares sa Facebook.
Nagpadala si Kris ng kanyang latest photo at makikitang may mga reddish spots pa rin siya sa mukha.
“Allergens still in my body,” sey ni Kris.
Natuwa naman si Dindo dahil glowing ang mukha ngayon ni Krissy.
“I just don’t have wrinkles, Kuya Dindo,” sabi raw nito.
Ayon pa sa kasamahan sa panulat, iniiyakan pa rin ni Kris ang severe body pains.
“Ang labis kong hinahangaan kay Kris, ang kanyang faith na hindi natitinag,” sabi ni Dindo.
Kasunod nito ay ang kwento ni Kris sa kanya na nadulas siya sa banyo at tumama ang siko at binti sa marble wall.
“Kuya Dindo i lost my balance sa bathroom — tumama my elbow and knee. Parang biglang nanghina my left knee so i hit the marble wall,” kwento ni Tetay.
Humingi raw agad siya ng tulong sa bunsong anak na si Bimby na nang marinig ang sigaw niya ay daig pa ang action star at mabilis siyang pinuntahan. Kaya napigilan ni Bimb ang pagtama ng ulo niya.
“Praise God when i shouted Bimb, he jumped from the bed and daig nya ang action stars kasi sya less than 5 seconds from when i shouted he was there- na prevent nya my head slamming into the marble wall. Bimb is my hero,” kwento ni Krissy.
Isa pa ngang hindi kagahandang balita ni Kris ay ang resulta ng kanyang latest blood test kaya humihingi pa siya ng dasal.
“Pangit my (latest) blood test results. More prayers,” sey ni Kris.
Ang good news, unti-unti namang lumalakas si Kris.
“Ilang weeks nang laging mahaba at masarap ang kanyang tulog. Unti-unti nang nababawi ang kanyang lakas. Pero dapat pa ring maghinay-hinay, lalo na sa paglalakad na walang nakaalalay.
“Lagi’t lagi, walang hanggang pasasalamat po sa mga nangungumusta at nagdarasal para sa tuluyang paggaling ni Krissy,” pahayag ni Dindo.