Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
Showbiz
Alden bumisita kay Sandara
Vinia Vivar
Feb 7, 2025
578
Views
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkita sina Alden Richards and Sandara Park.
Ibinahagi ni Sandara sa kanyang Instagram account ang dalawang larawan nila ni Alden na kuha sa set ng upcoming K-pop survival show sa TV5 na “Be the Next: 9 Dreamers” na iho-host ng tinaguriang Pambansang Krungkrung.
Yes, si Alden ang bumisita kay Sandara, huh!
Sa caption ay nagpasalamat si Dara sa aktor sa pagbisita sa kanya.
“Thank you for visiting us on the set Alden!!! nice meeting you,” caption ni Sandara.
Ang nasabing post ay pinusuan ng katakot-takot na netizens at maraming fans ang nagre-request na gumawa sila ng project together dahil bagay daw silang pagtambalin.
Well, let’s wait and see kung mapagbibigyan ang kanilang request.
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
