Andi1

Andi bukas sa pakikipag-ayos kay Philmar?

Vinia Vivar Feb 8, 2025
17 Views

Andi2Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media at sa loob at labas ng showbiz si Andi Eigenmann at ang partner nitong surfer na si Philmar Alipayo dahil na rin sa kani-kanilang posts.

Naunang nag-post si Andi ng sunod-sunod na cryptic message at dito pa lang ay nahalata na ng netizens na may problema ang kanilang relasyon ni Philmar.

Unang post ng aktres sa kanyang Instagram Story ay tungkol sa Year of the Snake na tila nag-i-imply ng betrayal o pang-aahas.

“I just found out its the year of the snake!! I thought it was the year of the wolf in sheep’s clothing!” post ni Andi.

Isa pang post niya, “They stab you and pretend they are the ones bleeding.”

Dito pa lang ay nahalata na ng netizens na may problema sa pagitan nina Andi at Philmar at tila may third party involved sa parte ng surfer.

Kaya naman katakot-takot na bashings na ang natanggap ni Philmar at kung ano-ano nang masasakit na salita ang ibinato sa kanya. Tinawag din siyang “cheater” at “pangit” ng netizens.

Sumagot naman agad si Philmar sa kanyang Instagram Story. Sunod-sunod din ang posts niya sa wikang Surigaonon nitong Sabado ng madaling araw.

“Kon ono may galing ijo mga nabasahan koman tinood jaon. Waya nay tagoay kay mas malisod,” saad ni Philmar.

(Kung anuman ang nababasa n’yo ngayon ay totoo. Hindi ko na itatago dahil mas mahirap ‘yun.)

Sumunod niyang pahayag, “Kilaya man kamo kun ono ako na pagka tawo. So segoro kilaya sab kamo kon ono cja. Dili na nato taason an tanan”

(Kilala niyo ako kung anong klaseng tao ako, So siguro kilala niyo rin kung ano siya. Wag na natin pahabain pa ang lahat).

Saad pa ng surfer, “You can call me a cheater and ugly now. Pero salamat sa mga tawo na no message sanan ka kilaya sa ako.”

(Pwede n’yo akong tawaging cheater at pangit ngayon ngunit salamat sa totoong nakakakilala sa akin).

Kahapon ng umaga ay nag-post ulit si Andi at dito ay nabanggit niya ang tungkol sa kaibigang umaahas kay Philmar.

“Explain nalang para sure: for context, I have seen the red flags but chose to look beyond it. Since she was already a friend before I came into the picture. Was shy to call it out to my partner. Now I (realized) setting boundaries in a relationship doesn’t make it toxic,” pahayag ni Andi.

Sumunod na post ng aktres ay sinabi niyang alam niya na hindi nag-cheat si Philmar sa kanya pero itong friend niya ang tumatraydor sa kanya.

“MY WHY FOR POSTING: I AM FULLY AWARE THAT MY HUSBAND NEVER CHEATED ON ME WITH THIS GIRL… I AM ALWAYS AROUND WHEN THEY ARE TOGETHER. I POSTED BECAUSE THIS PERSON BETRAYED ME, ENCOURAGES MY HUSBAND TO BREAK UP W ME DURING EVERY FIGHT EVEN WHEN I ALSO TELL MY SIDE OF THE STORY TO HER,” pagre-reveal ni Andi.

Aniya pa, ang friend niyang ito ang nagyaya kay Philmar na magpalagay sila ng love tattoo.

“SHE DIDNT HONOR MY SIDE BY CHOOSING TO CELEBRATE HER AND MY HUSBANDS LOVE FOR EACHOTHER BECAUSE THE DAY AFTER OUR FIGHT SHE INSERTED HERSELF IN THE SITUATION BY ENCOURAGING HIM TO GO FOR A SPONTANEOUS LOVE COUPLE TATTOO TOGETHER. (If innocent, why now when he is vulnerable? Why not when were ok? Or maybe why not when things have calmed down??),” saad ng aktres.

“I REACHED OUT TO HER, TO GET ANY BUT OF EXPLANATION FROM HER FOR THINKING THIS IS A GOOD IDEA, AND SHE CHOSE TO COMPLETELY IGNORE ME,” patuloy niya.
Inamin niyang nasaktan siya sa ginawa ni Philmar pero mas kinokondena niya ang kanyang friend.

“Yes I am hurt that my husband didnt think this would bother me, im not being dumb and ignoring that, BUT POST WAS TO JUST SHOW THAT NO NORMAL PERSON WITH GOOD INTENTIONS WOULD THINK IT’S OK FOR A “FRIEND” TO ENCOURAGE SOMEONE ELSE’S HUSBAND TO DO THIS WITHOUT CONSIDERING THE PARTNER’S FEELINGS.

“SPECIALLY AFTER I TOLD HER THAT EVENIF WE ARE IN A BAD FIGHT I WOULD ALWAYS WANT AND CHOOSE TO BE OK WITH MY HUSBAND BECAUSE HE IS MY FAMILY,” pahayag ni Andi.

Sa ngayon ay wala pang linaw kung ano ang tunay na estado nina Andi at Philmar. May nagsasabi kasing hiwalay na ang dalawa base na rin sa post ng surfer.

Pero kung pagbabasehan naman ang latest post ni Andi na lagi raw niyang pinipiling makipag-ayos sa partner kahit pa anong lala ng away nila, she’s implying na pwede pa itong maayos.

Bukas ang People’s Tonight kung may nais silang linawin o ipahayag.