Calendar
Philmar kinumpirma sa post na hiwalay na kay Andi
NAG-UNFOLLOW ba sa isa’t isa sa kanilang Instagram account ang mag-partner na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo?
Ang aktres, may cryptic post din patungkol sa “Year Of the Snake.”
Sa pagsilip sa kanilang IG account nitong Biyernes, mapapansin na hindi naka-follow sa isa’t isa ang dalawa.
May cryptic post din si Andi sa Instagram Stories nitong Biyernes na nagsasaad ng, “I just found out its the year of the snake!! I thought it was the year of the wolf in sheep’s clothing!”
In a series of Instagram stories, Alipayo addressed the situation, writing in his native language:
“Kon ono may galing ijo mga nabasahan koman tinood jaon. Waya nay tagoay kay mas malisod.”
Translated into English, his message reads: “Whatever you read is true. No more hiding (lies) because it only makes things harder.”
Sa isa pang post ni Andi, sinabi nito na: “They stab you and pretend they are the ones bleeding.”
Sinagot ito ni Alipayo ng: “Kilaya man kamo kun ono ako na pagka tawo. So segoro kilaya sab kamo kon ona cja. Dili na nato taason an tanan.”
This translates to: “You already know who I am, so maybe you already know who she is. No need to elaborate further.”
Sa final post ni Alipayo, he acknowledged the criticisms he has been receiving amid the controversy.
“You all can call me a cheater and ugly now. But thank you to the people who truly know me.”
Alipayo and Eigenmann, got engaged in 2020, with two children, Lilo and Koa.
In April, na-put on hold ang kanilang wedding dahil sa biglaang pagpanaw ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose.
Herlene pamilya lang ang sinandalan
INILAHAD ng bida ng ‘Binibining Marikit’ na si Herlene Budol ang kanyang naramdaman nang masangkot siya sa kontrobersiya bago matapos ang 2023.
Halos wala raw siyang kakampi at hinusgahan na siya ng lahat.
Habang pinagdaraan ang kontrobersiya, naging sandigan daw ni Herlene ang kaniyang pamilya, ang kaniyang namayapang lola at ang Panginoon.
“Wala pong nagtanggol sa akin. Lahat po talaga hinusgahan ako. Doon ko po napatunayan na kahit anong mangyari andiyan ang pamilya mo. Sabi ko, ‘Nay sabihin mo kay Lord, hindi naman po ako masamang tao. Sabihin mo kay Lord, Nay, na nagmahal lang po ako,’” sabi ni Herlene.
Matatandaang nasangkot si Herlene sa intriga matapos kumalat ang umano’y palitan nila ng mensahe ng aktor na si Rob Gomez, na co-star niya sa “Magandang Dilag.”
Dahil sa kinasangkutang kontrobersiya noon, pinagtuunan muna ni Herlene ng pansin ang kaniyang trabaho at sarili.
“Parang mas masaya po akong mag-focus muna din po muna sa trabaho ko at sa sarili ko. Kumpara kung mag-focus ako sa mga taong sisirain lang naman ‘yung aking puso.”
Bukod dito, napatawad niya na rin ang mga nasangkot sa isyu, maging ang kaniyang bashers.
“Thank you for making me strong,” mensahe ni Herlene sa bashers.
Mapanonood na ang ‘Binibining Marikit’ sa Pebrero 10 sa GMA Afternoon Prime.
Makikilala na Kapuso na magiging co-host ng ‘Pinoy Big Brother’
ILANG tulog na lang at ipakikilala na ang Kapuso star na magiging isa sa hosts ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab.
Isa sa mga sorpresang handog ng bagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN ay ang pagsasama-sama ng Kapuso at Kapamilya stars bilang housemates.
Bukod dito, sinabi rin ni Big Brother sa isang panayam na mayroon ding collaboration na magaganap sa hosts ng pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay.
Sa post ng GMA Network, inilabas ang isang art card kung saan nakalagay na mayroong Kapuso host ang bahay ni Kuya.
“EXCITING NEWS! Sa kauna-unahang pagkakataon, isang Kapuso host ang magiging bahagi ng Pinoy Big Brother!
“Sino kaya siya? Abangan ngayong linggo sa [All-Out Sundays],” ayon sa post.
Sa katatapos lang na contract signing para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition,ramdam ang excitement ng GMA at ABS-CBN executives sa mga pasabog na mangyayari sa bagong season ng programa.
Bago ang most-awaited revelation tungkol dito, patuloy na pinag-uusapan ng Pinoy viewers at netizens kung sino sa kanilang iniidolo na Kapuso actor o actress ang tinutukoy ni Kuya.
Samantala, kabilang sa hula ng netizens ang pangalan nina Drew Arellano, Jennylyn Mercado, Alden Richards, Barbie Forteza, Max Collins, Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Michelle Dee, Shaira Diaz, at Martin Javier.
Sino nga kaya ang makakasama ng Kapamilya hosts na sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez?
Abangan ang Kapuso host na magiging bahagi ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa All-Out Sundays sa Linggo (February 9).
Abangan ang iba pang detalye tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.