Just In

Calendar

February 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
2425262728  
sharon

Sharon naloloko sa paggawa ng kandila

Vinia Vivar Feb 10, 2025
19 Views

May bagong kinalolokohang hobby si Megastar Sharon Cuneta at ito ay ang paggawa ng scented candles.

Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang larawan ng mga nagawa niyang kandila at ni-reveal na mahilig pala siya sa scented candles noon pa.

“I poured six scented soy candles today. I stopped only because I ran out of wax! Two weeks pa before I can do a burn test and make adjustments. Always so excited doing this! I’ve also always spent so much on candles,” sey ni Shawie.

Ikinuwento nga niya na dati ay nagdala siya ng isang malaking balikbayan box na puno ng scented candles mula US to the Philippines at kapresyo na raw ng airplane ticket ang kanyang ibinayad.

Kaya never na niyang uulitin ‘yun.

“Once, I didn’t care how much the airline charged me for bringing a whole balikabayan box of heavy candles home with me from the States! Nako di na ako uulit. Halos isang MNL-LAX ticket na yata binayad ko! Never again. Pero they made me so happy for a long time!” kwento ni Sharon.

Kaya happy siya na kaya na niyang gumawa ngayon ng sarili niyang scented candles. She revealed na nag-aral pa siya ng candle-making online.

“Now I can make my own na. Crazy over my new hobby! P.S. I took a U.S.-based on-line Candle-making Course! Aba hindi pala simple! May computations pa na ilalagay! Pero happy!!!” saad ni Mega.