Just In

Calendar

February 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
2425262728  
Holdup1

Hinoldap si lolo; 2 sa 4 na suspek nalambat

Edd Reyes Feb 10, 2025
18 Views

HoldupTIMBOG ang dalawa sa apat na pinaghihinalaang holdaper na nambiktima ng lolo noong Linggo sa Caloocan City.

Sa kanilang tirahan sa Brgy. NBBS sa Navotas City nadakip ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Edcille Canals sina alyas Lester, 19, at alyas Jaspher, 18.

Kinilala ang dalawa ng biktima nilang si alyas Efren.

Ayon sa biktima, tinutukan siya ng baril at puwersahang tinangay ang kanyang mobile phone, relos at wallet na naglalaman ng P5,000.

Naglalakad ang biktima sa C3 Road malapit sa Perpetua St., Brgy. 22 nang holdapin ng mga suspek at mabilis na tumakas sakay ng dalawang magkahiwalay na motorsiklong minamaneho ng kanilang kasabwat pagkatapos limasin ang gamit niya.

Bagama’t hindi nabawi ang mga ninakaw sa biktima, nakuha sa mga suspek ang dalawang motorsiklong gamit sa panghoholdap habang nakumpiska kay alyas Lester ang kalibre .45 pistol, tatlong bala at isa pang kalibre .45 at isang bala mula naman kay alyas Jaspher.

Kasong robbery holdup ang isasampa ng pulisya sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office habang paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at paglabag sa Omnibus Election Code ang ihahain laban sa dalawa.