Calendar
![Comelec](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Comelec.jpg)
Bagong commissioners ng Comelec itinalaga
NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng dalawang bagong commissioners ng Commision on Elections
Unang itinalaga ng Pangulo si Atty. Maria Norina Tangaro-Casingal bilang bagong commiasioner.
Pupunan ni Tangaro-Casingal ang nabakanteng puwesto ni Comelec Commissioner Socorro Inting na nagretiro noong Pebrero 2.
Batay sa isang pahinang appointment paper na may petsang Pebrero 10 at nilagdaan ni Pangulong Marcos, ipinagkakatiwala nito kay Tangaro-Casingal ang nasabing posisyon.
Uupo sa Comelec si Tangaro-Casingal hanggang Pebrero 2, 2032.
Itinalaga rin ni Pangulong Marcos si Atty. Noli Pipo bilang bagong comissioner ng komisyon.
Si Pipo ay naging regional director ng Comelec Region 8 at Region 1.
Papalitan ni Pipo si Commissioner Marlon Casquejo na sumapit na sa kanyang mandatory retirement age.