Just In

Calendar

February 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
2425262728  
Acidre2 Tingog Party-list Rep. Jude Acidre

Hiling na disqualification dapat resolbahin ng Senado kahit magbitiw si VP Sara bago mahatulan

24 Views

DALAWANG lider ng Kamara de Representantes ang nagsabi na kung sakaling magbitiw si Vice President Sara Duterte bago mahatulan sa impeachment trial, dapat resolbahin pa rin ng Senate impeachment court ang hiling nito na siya ay patawan ng perpetual disqualification sa paghawak ng posisyon sa gobyerno.

Sa isang media briefing noong Lunes sa Kamara, binigyang-diin ni Manila Rep. Joel Chua—miyembro ng House prosecution team—na dapat magpasya ang Senate impeachment tribunal sa kanilang panalangin na pagbawalan si VP Duterte na humawak ng anumang pampublikong posisyon.

Ipinaliwanag ni Chua na ang impeachment complaint ay may dalawang pangunahing parusa: ang pagtanggal sa posisyon at disqualification mula sa paghawak ng pampublikong opisina.

“Well, dalawa po kasi ang school of thoughts diyan e… So, kung assuming for the sake of argument siya po ay nag-resign in advance, ang amin pong opinyon dito ay dapat iresolba rin ‘yung isang penalty which is ‘yung disqualification,” aniya.

“Dahil ang pagre-resign niya, ang nareresolba lang nito ‘yung removal. Pero hindi po nade-desisyunan ‘yung isa pong hinihingi po naming relief which is ‘yung disqualification,” dagdag pa niya.

Nilinaw din niya ang mga procedural limitations kaugnay ng pagsasampa ng kaso laban sa nakaupong bise presidente.

“Well, the reason why we filed impeachment it’s because ito po ‘yung first step. We cannot file other cases against the Vice President unless and until ma-remove siya from office dahil ‘yan lang ‘yung way. Hindi naman po siya agad po pwedeng deretsahan na ma-file-lan ng ibang kaso other than impeachment. So, after the impeachment, doon lamang siya po pwedeng ma-file-lan ng ibang kaso,” paliwanag ni Chua.

Idinagdag naman ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na ang Senado ay may konstitusyonal na mandato na ituloy ang paglilitis, kahit man magbibitiw ang bise presidente.

“I don’t think there’s a question whether a trial will continue kasi hindi naman up to the Senate kung magkakaroon ng trial o hindi… this is a constitutional process at ang proseso ng Konstitusyon hindi nagbibigay ng leeway sa Senado kung aaksyunan nila o hindi ang articles of impeachment,” aniya.

Binanggit din niya ang kahalagahan ng pananagutan sa pagsasabing, “Hindi naman ito usapin na pwedeng ipagsawalang bahala na lang kasi ito po ay hindi lang usapin ng mga politiko… Ito po’y usapin ng pananagutan sa bayan.”

Tinutukan din ni Acidre ang kamakailang press conference ni VP Duterte at pinuna ang kanyang paraan ng pagharap sa impeachment proceedings.

“Well, halata lang naman na the presscon was, for lack of a better word, it was staged to present na ang Bise Presidente ay hindi apektado sa mga issue na ito. Pero the fact na ganoon ang nangyari sa presscon e klarong they’re trying to divert the narrative and making sure that this is not affecting her in any way,” aniya.

“Pilit pong dina-downplay, pilit pong iniiwasan, pilit pinapakita na ito lamang ay isang pang-persecution sa ating pangalawang pangulo which, of course, now that it has reached the impeachment, it will soon reach the impeachment court. Hindi lang ito usapin ng politika,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Acidre ang konstitusyonal na tungkulin ng mga pampublikong opisyal na maging accountable sa kanilang mga aksyon.

“Hindi ito laban namin mga politiko na pro or anti sa kanila. Ito po’y usapin ng pananagutan sa bayan, and I think that should be the message na dapat sana sinagot ng pangalawang pangulo in all of these accusations, ano ba ang level of accountability niya bilang pangalawang pangulo ng ating bansa?” paliwanag niya.