Ashley ipinakilala na ni Mavy kina Zoren, Carmina at Cassy

Vinia Vivar Feb 11, 2025
17 Views

Nagsalita na si Ashley Ortega sa tunay na estado ng relasyon nila ni Mavy Legaspi.

Sa guesting ng Sparkle artist sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay kinumpirma niya na sila na nga ni Mavy.

Diretsong tanong ni Boy Abunda, “Oo o hindi, kayo na ba ni Mavy Legaspi?”

Natatawa at tila nahihiyang sagot ni Ashley, “I think it’s obvious naman. Yes.”

Ayon sa aktres, na-meet niya si Mavy a few years ago nang pumirma ito ng kontrata sa Sparkle.

Mga bata pa raw sila nu’n.

“Pero we started hanging out more last year. Ta’s doon ko sila nakilala talaga,” aniya.

And to be clear, nagsimula raw silang magkakilanlan after Mavy’s breakup with Kyline Alcantara.

“I think it started, there was this one night kasama ‘yung mga friends namin, so du’n ko siya nakilala and then, nagtuloy-tuloy na. Then, he asked me out if we can have lunch or dinner together, just the two of us, you know, get to know more about each other, tapos nagtuloy-tuloy na,” tsika ni Ashley.

When asked kung paano manligaw si Mavy, aniya ay thoughtful at generous ito pero hindi naman siya ma-grandeng tao na kailangan pa ng surprises at flowers.

“Ano lang talaga, mas more on conversational kasi ‘yung ano,” sambit niya.

Three years younger sa kanya si Mavy at akala raw niya at first ay siya ang mas mature sa kanila pero hindi pala.

“He’s actually mature. Parang in our relationship, parang ako nga ‘yung pabebe girl, eh. He takes care of me and ‘yun ‘yung parang napatunayan niya while we were going out,” sabi ng aktres.

Nang tanungin naman kung gaano na katagal ang kanilang relasyon, sey ni Ashley ay secret na lang daw.

Tinanong din ni Kuya Boy kung kumusta ang relasyon niya with Mavy’s parents, Zoren Legaspi and Carmina Villarroel.

Ayon sa aktres ay ipinakilala na siya ni Mavy sa pamilya nito.

“They’re very welcoming, Tito Boy. I’ve worked with Tita Mina na before, nag-lock in taping kami for two months. Si Tito Zoren also, I’ve worked with him na rin before, he became my Dad.

“But when me and Mavy were hanging out na, Mavy introduced me to them. And last December, they invited me in a Christmas dinner. They’re very welcoming. Mababait po sila. And Cassy (Mavy’s twin sister) also,” saad ni Ashley.

Matatandaan na umugong ang balitang may something special na namamagitan kina Mavy at Ashley nang mag-post sila ng sweet photo together habang nasa Sinulog Festival sa Cebu kamakailan.