Huli

Electrician hinuli sa pagtutok ng boga sa welder

Edd Reyes Feb 11, 2025
17 Views

INARESTO ng mga pulis ang electrician na nanutok ng baril sa nakaalitang welder noong Lunes sa Malabon City.

Hawak pa ni alyas Regie ang hindi lisensyadong kalibre .45 pistola na may pitong bala ng arestuhin ng mga nagpapatrulyang tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan.

Tinutukan ng suspek sa nakaalitang si alyas John-John, 39, ayon sa mga pulis.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis dakong alas-9:00 ng gabi dahil sa ginawang panunutok ng baril sa kanya ng suspek nang magkaroon sila ng argumento.

Kasong Grave Threat, Illegal Possession of Firearms and Ammunition at paglabag sa Omnibus Election Code ang inihaing kaso ng pulisya sa Malabon City Prosecutor’s Office laban sa suspek.