Andi, marupok — dating TV host

Vinia Vivar Feb 11, 2025
18 Views

Ang bilis ng reaksyon ng ‘sawsawerang’ si RR Enriquez sa pagkakaayos nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Sa kanyang Instagram account ngayong araw ay ipinost ng dating TV host ang screenshot ng Facebook reel ni Philmar kung saan ay sinasabi nga nito na okay na sila ni Andi.

Pabirong sinabi ni RR na marupok si Andi.

“Ano ba yarn? We are so INVESTED pa naman. Marupok talaga ang mga babae. Marupok ka Andi. CHERET labyu,” sey ng dating TV host.

Kasunod nito ay pinaalalahanan niya si Andi na if ever magkaroon ulit ng problema kay Philmar ay mag-post lang ito at a-attack siyang muli. Hahaha!

Isa si RR sa mga unang-unang nagtanggol kay Andi nang mag-post ang aktres ng kanyang problema kay Philmar.

“Having the same tattoo together is very disturbing and disrespectful! C’mmon!! Where’s your commonsense Philmar. Ok lang sana if ginawa mo yan nung wala pa sa buhay mo si Andi. Pero yung ngayon mo sya gagawin with your girl bestfriend?? Ohh Emm Gee!! Nasaan ang utak mo?” mensahe ni RR sa fiancé ni Andi.

Pati ang girl na nali-link kay Philmar ay binanatan ni RR.

“And to the girl… Girl, babae ka din impossible na hindi mo alam ang mapi feel ni Andi having the same tattoo together…” mensahe niya sa foreigner.