Performers buhay na naman ang raket sa kampanya

Jun Nardo Feb 13, 2025
15 Views

BUHAY na naman ang mga performer dahil simula na ang kampanya para sa national position.

Pero mas buhay ang performers kapag nagsimula na ang kampanya sa local positions, huh!

Kasi, mas galante ang mga tumatakbo sa local positions lalo na sa malalayong probinsya.

Mas lamang nga lang ang mga komedyante at singers dahil mas malakas ang hatak nila kumpara sa mga artistang mukha lang ang sandata upang makahikayat ng taong panoorin sila.

PAHINGA SA SEXY MOVIES?

TIGIL ba muna ang production ng VMX movies?

Dati-rati, halos weekly may bagong streaming at mediacon para ianunsyo ang bagong VMX movie.

Kung mapapansin, pawang distribution ng local movies, wholesome series o pelikulang halos walang sex ang ipinalalabas ng VMX ngayon.

Kawawa naman ang sexy stars na nawalan ng trabaho, huh!