Santiago Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang mga naarestong suspek sa pang aabuso ng mga menor de edad. Kuha ni JonJon Reyes

Kelot dinampot ng NBI sa sexual exploitation ng 4 na menor de edad na anak

Jon-jon Reyes Feb 14, 2025
22 Views

NATIMBOG ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal na isinadlak sa sexual exploitation ang apat na mga menor de edad na anak sa Angeles, Pampanga.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na inaresto ang mga suspek base sa impormasyong natanggap ng Human Trafficking Division (HTRAD) hinggil sa ginagawa ng mga suspek na Child Sexual Abuse Materials (CSAMs) at live-streaming ng sexual acts na ibinebenta sa iba’t-ibang platforms.

Sa inisyal na examination sa mga device na nakuha sa mga suspek, nakita ang mga pag uusap sa chat sa mga transaksyon na nag-aalok ng mga bata.

Natukoy din na $50 ang presyo ng kada bata at dahil sa apat na anak umano ang nasa live-stream, $200 ang nakukuha ng suspek na agad ipinapalit sa pamamagitan ng PayPal.

Samantala, isang Pinay din ang nadakip sa follow-up operation sa Bamban, Tarlac noong Pebrero 11 kaugnay sa kaso ng isang American national na si Joseph Graham

Kamakailan inaresto si Graham base sa warrant of arrest mula sa US court para sa 55 counts ng child sexual abuse at pag-iingat ng exploitation materials.