Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
Subject: metro
Metro
Naglalakad ng may boga, nasilo
Edd Reyes
Feb 16, 2025
446
Views
TIMBOG ang 25-anyos na lalaki na nabuking na may dalang baril habang pagala-gala sa Caloocan City.
Tinangka pang itago ni alyas Dagul ang kalibre .9mm revolver na may limang bala sa magazine ng matunugan ang paparating na mga pulis.
Nahuli ang suspek na pabalik-balik na naglalakad sa eskinita ng Morning Star St., Brgy. 178 alas-3:40 ng madaling araw noong Sabado.
Iprinisinta na sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings ng pulisya si alyas Dagul para sa paghahain ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at BP 881 o ang Omnibus Election Code of the Philippines.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026

