Cabanatuan

NE Oplan Katok nakasamsam ng 19 na bogang paso lisensya

Steve A. Gosuico Feb 22, 2025
39 Views

CABANATUAN CITY–LABING-siyam na baril na expired ang lisensya ang iti-nurn-over noong Biyernes sa Nueva Ecija police.

Ayon kay Nueva Ecija police chief P/Col. Ferdinand Germino, resulta ang pagsuko ng mga baril sa programang Oplan Katok ng PNP sa Talavera, San Antonio, Jaen, Cuyapo, San Isidro, Sta. Rosa at Science City of Muñoz.

Kabilang sa mga isinuko isang 12-gauge shotgun, dalawang cal. 45 at dalawang 9mm pistol sa Talavera; 12-gauge shotgun, cal. 40 at cal. 380 pistols sa San Antonio; dalawang cal. 45 at 9mm pistols sa Jaen; isang cal. 45, cal. 9mm at cal. 380 pistols sa Cuyapo; 12-gauge shotgun at cal. 22 pistol sa San Isidro; isang cal. 45 pistol sa Santa Rosa; 1 12-gauge shotgun sa Muñoz Science City; at isa pang cal. 22 submachine gun.

Sa pamamagitan ng Oplan Katok, pinapadalhan ng opisyal na abiso ang mga may-ari ng baril na paso ang lisensya at hinihiling na sumunod sa pamamagitan ng pansamantalang pag-suko ng mga baril habang pinoproseso ang pag-renew ng lisensya.

“Ang pagsuko ng mga baril na paso ang lisensya nakakatulong na maiwasan ang mga legal na epekto tulad ng pag-iisyu ng mga search warrant at pagsasagawa ng mga operasyon ng pulisya,” ayon sa police official.