Kaila ayaw makarelasyon si Daniel

Vinia Vivar Feb 23, 2025
14 Views

Hindi totoong nililigawan ni Daniel Padilla ang co-star niya sa “Incognito” na si Kaila Estrada.

Ito ang tsika ni Ogie Diaz sa latest episode ng kanyang vlog.

Aniya, “Meron isang friend ko na nililinaw niya na hindi totoong nililigawan or dinidiskartehan ni Daniel Padilla si Kaila Estrada.”

Totoo nga raw na tinutukso ang dalawa sa set ng “Incognito” pero mukhang hindi type ng anak nina John Estrada at Janice de Belen ang panunukso sa kanila.

“Yes, totoo raw na sila’y tinutukso sa set. Pero sabi ng aking source, medyo hindi bet ni Kaila na siya ay tinutukso kay Daniel kasi nga, kaibigan lang daw ang kanilang turingan ni Daniel,” sey niya.

Sinabi rin ni Ogie na sinabi na ni Kaila sa kanyang panayam noon sa aktres na hangga’t maaari ay ayaw nitong magkaroon ng relasyon sa isang taga-showbiz.

“Hangga’t kaya nga, ayaw niya ng taga-showbiz,” aniya.