Balikang’ KathNiel pinagpipistahan sa socmed

Vinia Vivar Feb 24, 2025
19 Views

Totoo kaya ang tsikang pinagpipistahan ngayon sa social media na nagkabalikan na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?

Viral agad ang latest post ng social media personality na si Xian Gaza sa kanyang Facebook account na may isang source siyang nag-confirm na nagkabalikan na umano sina Kathryn at DJ.

“Ang tsismis, eh, nagkabalikan na daw pala ang KathNiel. This is not kompirmd yet kasi isang source pa lang ang nag-i-splook sa akin. How true?” post ni Xian.

Maya-maya ay nag-post siya ulit at 99.9% confirmed na nagkaayos na ang KathNiel.

“BREAKING NEWS: Kathryn Bernardo & Daniel Padilla, nagkaayos na! Kompirmd 99.9%! Yung 0.01% ay yung germs na hindi napatay ng Safeguard!” sey ni Xian.

Hirit pa niya, “Atin-atin na lang muna at huwag na lang sana makakalabas hangga’t kinukumpirma pa natin kung sila ba ay magjowa na ulit. Salamat. Please respect their privacy.”

Nagbunyi agad ang KathNiel fans sa tsikang ito and hoping sila na totoo ang tsikang ito.

Ang iba naman ay talagang naniwala na at komento pa ng isa, kaya raw pala tumigil na ng panliligaw si Alden Richards.

Well, siyempre, ang KathNiel lang naman ang pwedeng sumagot kung true ba o hindi ang tsismis. Kaya wait na lang natin ang pagsasalita nila.