Grumadweyt na anak nina Cesar at Sunshine dinagsa ng pagbati

Vinia Vivar Feb 24, 2025
10 Views

Proud na proud ang dating mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz sa panganay na anak na si Angelina Cruz na titulado na ngayon.

Nagtapos si Angelina ng Marketing Management sa De La Salle University at makikita sa social media posts nina Cesar at Sunshine ang pagdalo nila sa graduation ng anak.

Caption ni Buboy, “Congrats “BUCHING” Angelina Isabelle C. Montano & to all De Lasalle graduates today!!! HAPPY GRADUATION DAY!!! I can’t be more proud of you my baby Buching!! May our Great God in heaven continue to protect & guide you in your life. In JESUS NAME!!! Amen! Labyu! Anak !!”

Post naman ni Sunshine, “1 down. Angelina! We are so proud of you! I’ve always prayed for this. Keep shining and we will be by your side all the way. We love you! Congratulations.”

Nag-post din ang aktres ng dinner celebration nila kasama pa rin si Buboy at ang mga kapatid ni Angelina na sina Samantha at Chesca.

Caption naman ni Shine, “Proud mom, dad and siblings to @angelinaisabele. We love you @angelinaisabele.”

Dumagsa naman ang pagbati ng celebrities kay Angelina sa comments section. Kabilang na rito ang kanyang half-brother na si Diego Loyzaga, tita niyang si Geneva Cruz at mga kaibigang sina Lorin Bektas, Leon Barretto, Venice Bektas, Mavy Legaspi, Nicole Cordoves, Stacey Gabriel at Teejay Marquez.