BBM

PBBM pinagdasal agarang paggaling ni Pope Francis

Chona Yu Feb 24, 2025
16 Views

NAKIISA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa buong mundo sa pananalangin para sa agarang ikagagaling ni Pope Francis.

Ayon kay Pangulong Marcos, nakalulungkot na nasa malubhang karamdaman ang Santo Papa.

“Nakakalungkot na marinig ang malubhang karamdaman ni Pope Francis. Sa mga sandaling ito, kaisa tayo ng buong mundo sa panalangin para sa kanyang kalakasan at paggaling,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Nawa’y patuloy siyang patnubayan at palakasin ng Panginoon upang magpatuloy sa kanyang misyon ng pananampalataya at pagmamahal sa sangkatauhan,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa pahayag ng Vatican, nasa kritikal na kalagayan ang Santo Papa dahil sa pneumonia.

Bukod dito, sinabi pa ng Vatican na nakararanas na rin ng sakit sa kidney ang Santo Papa.

Pebrero 14 nang isugod sa ospital ang Santo Papa sa Gemille hospital.

Nanawagan na rin ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng panalangin para sa Santo Papa.