Valeriano

Bagong pahayag ni DU30 na PBBM magdedeklara ng martial law kwentong kutsero — Valeriano

Mar Rodriguez Feb 26, 2025
17 Views

PARA kay Manila 2nd Dist. Rep. Rolando “CRV” M. Valeriano, isang “kuwentong kutsero” lamang ang bagong pahayag ni dating Pangulong na magde-deklara umano si President Bongbong”R. Marcos, Jr. ng martial law para mapanatili ang sarili nito sa puwesto.

Binigyang diin ni Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na hindi dapat seryosohin ng mamamayan ang panibagong fake news na pilit na inihahasik ng dating Pangulo dahil nais lamang nitong ilihis ang totoong isyu.

Sinabi ni Valeriano na ginagawa ito ni Duterte para magalit ang publiko sa Pangulo dahil mistulang sinasariwa nito ang ginawang pagde-deklara ng kaniyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr. ng martial law noong 1972.

Dahil dito, umaapela ang kongresista sa dating Pangulo at mga kaalyado nito na tigilan na ang mga paninirang puri, pagkakalat ng fake news at disinformation sapagkat lalo lamang nitong pagwawatak-watakin ang mga Pilipino sa halip na magka-buklod buklod.

Ikinatuwiran ni Valeriano na bilang iisang bansa. Ang napakahalaga ay ang pagkaka-isa ng lahat ng mga Pilipino sa halip na magbitiw ng mga pahayag na hindi naman makakatulong bagkos ay lalo pa nitong pag-wawartak-watakin ang mga mamamayan.

Pagdidiin pa ng Metro Manila solon na ang ginagawa ni Duterte sa pamamagitan ng pagbibitiw ng mga maling impormasyon ay hindi lamang nag-uudyok sa mga mamamayan na magalit sa gobyerno. Bagkos, makaka-apekto din aniya ito sa pag-unlad ng ating bansa.

Ayon kay Valeriano, walang matinong negosyante o foreign investors ang maglalagak ng kanilang puhunan at negosyo sa isang bansa na nag-aaway-way ang mga mamamayan gaya sa Pilipinas kaya dapat maging ma-ingat ang dating Pangulo sa kaniyang mga pahayag.