Calendar

PBBM kailangang sumalag sa mga batikos, patunay na di siya weak leader
DUMIPENSA ang Palasyo ng Malakanyang sa mga banat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga campaign rally sa Alyansa para sa Pagbabago.
Makailang beses na kasing binabanatan ni Pangulong Marcos ang mga kandidato sa pagka-senador sa oposisyon.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kailangang sumalag ni Pangulong Marcos sa mga batikos para maging transparent at maipakitang hindi ito mahinang lider.
“Sa lahat po ng campaign rallies napuntahan po ng Pangulo, ang mga kandidato niya po mismo, ang kanyang mga sinusuportahang kandidato ang nagsasabi kung ano ang kanilang magiging program, ang kanilang magiging proyekto para sa ikauunlad ng bayan at sa ikauunlad ng taumbayan,” pahayag ni Castro.
“Siguro po, kailangan lang po talaga paminsan-minsan ang ating Pangulo ay maging transparent din siya sa kanyang na saloobin at para po maipahatid din sa mga tao na he is not and will never be a weak leader,” dagdag ni Castro.
Una nang sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na weak leader si Pangulong Marcos.