Calendar
Sharon ’di pa kuntento sa pagpapapayat
Masayang-masaya si Sharon Cuneta na finally, pagkatapos ng mahigit dalawang dekada, nakapag-shopping na siya ng damit na gusto niya.
Ikinuwento ng Megastar sa Instagram ang ginawa niyang pamimili ng damit ngayong pumayat na siya. Ibinahagi rin niya ang kanyang larawan kung saan ay suot na niya ang bagong biling pants and blouse.
Aniya, kung dati ay size 24 siya, ngayon ay 6-8 (small to medium) na.
“For the first time in over 20 years, I was able to shop for clothes again that I actually want to wear. I went up to a size 24 (!) years ago, and that was when I truly panicked, because my health was suffering. I am now back to size 6-8. A small to medium,” pagbabahagi ni Shawie.
Sey pa niya ay napaiyak siya dahil hindi siya makapaniwala na ganito na siya kapayat at nagbunga na ang lahat ng kanyang paghihirap sa pagbabawas ng timbang.
“And when I tried on clothes for my new wardrobe, I was moved to tears because I still couldn’t believe I had finally lost all that ugly extra weight!” aniya.
“Not done yet. Just a few more. I Thank the Lord everyday,” pagtatapos pa ni Mega.
Matatandaang nine years nang nagpapapayat si Sharon at lagi niya ring ibinabahagi sa kanyang IG followers ang kanyang weight loss journey.