Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Nahulog sa footbridge na babae patay

372 Views

DEAD-on-the-spot ang babaeng senior citizen nang mahulog sa footbridge sa Cubao, Quezon City noong Linggo.

Nasa edad 60-65-anyos at nakasuot ng floral na ternong damit ang biktima, ayon sa police report.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Police Station-7, natagpuang nakahandusay ang biktima bandang alas-6:20 ng umaga sa Edsa southbound tunnel sa Brgy. San Martin de Porres, Cubao.

Ayon sa opisyal ng MMDA na si Ryan Christian Jacob, tinungo niya ang lugar nang makitang nakatigil ang mga motorista sa naturang lugar at doon niya nakita ang biktima na duguan sa tunnel.

Isang papel na naglalaman ng umano’y sulat ng ‘pamamaalam’ ng biktima ang natagpuan malapit sa bangkay ng matanda.

Hindi pa malinaw kung tumalon o itinulak sa footbridge ang biktima.